Reelected councilor sa Maguindanao pinatay

By Jay Dones May 13, 2016 - 04:22 AM

 

crime-scene-e1400865926320Hindi pa man pormal na nakakaupo sa puwesto, pinatay na ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang reelected municipal councilor sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Kinilala ni Chief Inspector Reynato Mauricio Jr., hepe ng Shariff Aguak police ang biktima na si Hadie Malaguial na miyembro ng Liberal Party.

Ayon sa ulat, nakaupo lamang sa harap ng kanyang tahanan ang biktima nang paulanan ng bala ng mga suspek gamit ang Armalite rifle.

Tinangka pa ng mga kaanak ng biktima na tugisin ang mga suspek ngunit maging sila ay pinagbabaril ng mga salarin.

Bukod dito, pinasabugan din ng M-203 grenades ng mga suspek ang lugar upang hindi na sila mahabol ng mga galit na taumbayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.