Granada pinasabog habang may canvassing ng boto sa Basilan

By Kathleen Betina Aenlle May 13, 2016 - 04:20 AM

 

Mula sa Google Maps

Naganap ang isang pagsabog sa labas ng paaralan na ginagamit sa canvassing ng mga boto sa Lamitan City, Basilan, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa kasalukuyang alkalde ng Mohammad Ajul na si Talib Pawaki, nakarinig sila ng malakas na pagsabog ilang metro lang ang layo mula sa Rizal Elementary School kung saan ginagawa ang canvassing para sa kanilang bayan.

Agad aniya nilang tinungo ang pinangyarihan ng pagsabog at sa kabutihang palad, wala namang nasaktan at tumama lamang sa may bakod ng paaralan ang granada.

Binantayan na ng mga pwersa ng pulisya at militar ang paligid ng paaralan.

Dahil sa problema sa seguridad at signal, ginawa ng bayan ng Mohammad Ajula ng canvassing of votes nila sa Lamitan City.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.