PNoy may utang na P8 Million

By Den Macaranas May 12, 2016 - 05:18 PM

Benigno-Aquino
Inquirer file photo

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maging lider ng bansa noong 2010 ay ngayon lang nagdeklara ng kanyang liabilities o pagkakautang Si Pangulong Noynoy Aquino base sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).

Sa kanyang 2015 SALN, kanyang idineklara ang na aabot sa P8 Million ang kanyang liabilities o pagkakautang pero hindi na ibinigay ang detalye nito.

Tumaas naman ng P13,318,274 Million ang kabuuang net worth ng Pangulo mula noong umupo siya sa pwesto noong 2010.

Noong 2010 ay nagdeklara siya ng kabuuang P54,999, 370 na net worth samantalang P68,317,644 naman para sa taong 2015.

Kabilang sa mga ideneklara ng Pangulo sa kanyang SALN ay ilang real properties sa Tarlac at Metro Manila, isang Toyota Land Cruiser na nagkakahalaga ng P3 Million at P31 Million na deposito sa bangko.

Si Pangulong Aquino ay may buwanang sweldo sa pamahalaan na P120,000 o Salary Grade 33 base sa umiiral na Salary Standardization Law.

TAGS: 2015 saln, Aquino, Malakanyang, 2015 saln, Aquino, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.