Transition team ng Malacañang magsisimula na ng trabaho sa Biyernes

By Den Macaranas May 12, 2016 - 05:08 PM

malacanang-fb-0723
Inquirer file photo

Bukas, araw ng Biyernes ay magpupulong na ang binuong transition team ng Malacañang na mamamahala sa maayos na pagsasalin ng kapangyarihan kay presumptive President Rodrigo Duterte.

Ang grupo ay pamumunuan ni Executive Sec. Paquito Ochoa Jr.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma Jr. na mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nagsabi na dapat ay maging maayos at walang aberya ang paglilipat ng pamamahala sa susunod na lider ng bansa.

Ipinaliwanag rin ni Coloma na hindi muna nila makakaharap bukas ang transiton team ni Duterte pero nakausap na niya ang executive assistant ng Davao City Mayor kaugnay sa mga magaganap na pagpupulong sa susunod na mga araw.

Si Pangulong Noynoy Aquino ay nakatakdang bumaba sa kanyang pwesto sa June 30 na siyang pagtatapos ng kanyang anim na taong termino bilang lider ng bansa.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na excited na siyang bumalik sa pribadong buhay kung saan ay kanyang sinabi na pagbabakasyon ang una niyang gagawin pagbaba niya mula sa Palasyo ng Malacañang.

TAGS: Aquino, duterte, Malakanyang, transition team, Aquino, duterte, Malakanyang, transition team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.