Reporma sa PNP uunahin ni Duterte

By Den Macaranas May 12, 2016 - 05:04 PM

PNP HQ
Inquirer file photo

Ang Philippine National Police (PNP) ang isa sa mga unang tututukan ni presumptive President Rodrigo Duterte sa kanyang pag-upo bilang lider ng ating bansa.

Sinabi ni Atty. Salvador Panelo, abogado at isa sa mga tagapagsalita ni Duterte na prayoridad ng uupong pangulo na maibaba agad ang antas ng kriminalidad sa bansa.

Kung nagawa ito sa Davao City, sa pakikipagtulungan ng mamamayan at mga law enforcement agencies ay kaya din itong gawin sa buong kapuluan ayon sa nasabing abogado.

Sinabi rin ni Panelo na magsasagawa ng reporma sa PNP si Duterte mula sa pagpapalit ng mga tao sa mga posisyon hanggang sa pagbili ng mga dagdag na kagamitan lalo na ng mga patrol vehicles.

Kabilang sa mga kasong tututukan ng bagong lider ay ang murder, rape, kidnapping, homicide at smuggling.

Tiniyak din ni Panelo na mismong di Duterte ay gustong makita kaagad ang pagbaba ng crime rate sa mga unang buwan ng kanyang termino.

TAGS: Crime rate, duterte, panelo, PNP, Crime rate, duterte, panelo, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.