Justin Bieber hindi na magpapa-‘selfie’

By Jay Dones May 12, 2016 - 04:36 AM

 

justin-bieber-2015Simula ngayon, hindi na magpapakuha ng picture o magpapa-selfie sa kanyang mga fans ang singer na si Justin Bieber.

Inanunsyo ni Bieber ang kanyang desisyon makaraan itong makuhanan ng larawan kamakailan na naglalakad ng walang suot na sapatos sa Boston at nagpapakain ng mga squirrel.

Bukod pa dito, noong nakaliaps na October, kumalat sa internet ang ilang hubad na larawan ni Bieber na kinunan nang walang siyang pahintulot ng mang-aawit.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Bieber na nagmimistula na siyang ‘zoo animal’ at hindi na kinikilala ng nakararami bilang tao sa tuwing nagpapakuha ng larawan.

Nais din niya aniyang mapanatili ang katinuan kaya’t nadesisyon na itong hindi na muling magpapa-picture sa sinuman. Sa kasalukuyan, umaani ng magkahalong reaksyon mula sa mga netizens ang pahayag na ito ng sikat na singer.

Sa buong mundo, may mahigit 67 milyong followers sa Instagram at iba pang social media platforms ang sikat na mang-aawit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.