Picture nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos bumoto, inulan ng batikos

By Dona Dominguez-Cargullo May 09, 2016 - 11:30 AM

KATHNIELBinatikos ng netizens ang picture nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang hawak ang kanilang balota matapos silang bumot.

Viral ngayon sa social media ang pictures ng loveteam na Kathniel na kapwa mga first time voter.

Makikita sa picture ng dalawa na hawak ang kanilang balota na ayon sa netizens ay malinaw na paglabag sa election law.

Ilang beses na kasing ipinaalala ng Comelec na bawal na bawal ang pagdadala ng cellphone sa loob ng polling places at lalong bawal na kunan ng larawan ang balota.

Si Kathryn ay bumoto sa may North Susana sa Quezon City, habang hindi naman nabanggit kung saan bumoto si Daniel.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.