Panawagan ni Miss Universe, “huwag kalimutan ang LGBT community”

By Isa Avendaño-Umali May 08, 2016 - 01:08 PM

Photograb mula sa IG Account ni Pia Wurtzbach
Photograb mula sa IG Account ni Pia Wurtzbach

Nanawagan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa susunod na magiging Pangulo ng Pilipinas na gawin ang tama para sa bansa at bigyang-pansin ang mga pangangailangan ng LGBT Community.

Sa kanyang sa Instagram account, pinost ni Wurtzbach ang kanyang panawagan gamit ang hashtag na #PhilippineElections2016.

Ayon sa Miss Universe, huwag daw kalimutan ang LGBT o Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender Community.

Nakasaad pa sa post ni Wurtzbach, hindi man siya purong Pilipino, siya ay para sa sambayan.

Marami rin daw siyang gustong sabihin at may malawak ng mga pangarap, hindi lamang para sa sarili, kundi pa sa buong Pilipinas.

Aniya pa, pinagdadasal niya na maging malinis at makaturangan ang proseso at resulta ng eleksyon.

“Beauty Queen lang po ako. Wala po akong mapapala dito,” ani pa ni Pia.

Dagdag pa niya, “sino man ang susunod na magiging pangulo ng ating bayan, binibigay namin ang tiwala namin sa inyo. Sana po ‘wag n’yo kaming biguin.”

TAGS: #VotePH2016, LGBT community, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, #VotePH2016, LGBT community, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.