Trapik sa Cubao, bahagya nang sumisikip dahil sa dami ng mga pasahero

By Kathleen Betina Aenlle May 07, 2016 - 06:08 AM

City Bus Inq File
FILE PHOTO

Nagkakaroon na ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA Cubao, umaga ng Sabado.

Ito ay dahil sa pagdagsa na ng mga tao sa mga bus terminals upang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya upang makaboto sa Lunes.

Ayon sa MMDA, nagsisikip lang ang trapiko sa northbound at southbound ng Cubao sa bahagi ng mga terminals ng bus.

Gayunman paglampas naman ng Cubao patunong Santolan sa southbound, at patungong Kamuning sa northbound ay lumulawag naman na ang daloy ng trapiko.

Bahagyang nagkakaroon ng build up sa dakong Kamuning fly over at sa ilalim dahil dito na nagsisimula ang hilera ng mga bus stations sa EDSA.

Mahigpit namang ipapatupad ng MMDA ang bus lanes, at ipinaalala rin nila na sa May 9, Lunes ay lifted ang number coding scheme sa buong Metro Manila dahil ito ay idineklarang special non-working holiday.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.