Grupo ng health workers, nagprotesta sa planong paggiba sa Fabella hospital

By Erwin Aguilon May 06, 2016 - 11:15 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Muli na namang kinalampag ng mga medical practitioner na miyembro ng Alliance of Health Workers ang tanggapan ng Department of Health (DOH) at pamunuan ng Fabella Hospital sa Sta. Cruz Maynila.

Ito ay para tutulan ang planong paggiba sa apat na gusali ng Fabella Hospital.

Nagsimula ang programa ng grupo sa harap ng tanggapan ng DOH sa bahagi ng Rizal Avenue at pagkatapos ay dumeretso ang grupo sa Fabella Hospital.

Nagsuot ang mga nagpoprotesta ng kulay pulang armband na simbolo anila ng kanilang ipinaglalaban kabilang na ang umento sa sahod ng mga health workers sa bansa gayundin ang pagiging regular sa trabaho ng mga matatagal nang contractual workers.

Ayon kay Robert Mendoza, National President ng Alliance of Health Workers dapat maging hamon din sa mga kandidato ang lumalalang kalidad ng serbisyong medikal sa mga ospital ng gobyerno ang mismong kalagayan ng mga medical professional sa bansa.

Sinabi ng grupo na hindi ang usapin ng structural integrity ng mga gusali ng Fabella Hospital ang dahlan kung bakit ito gigibain kundi ang planong pagbebenta ng bahagi ng lupaing kinatitirikan ng ospital.

Ang pagkilos ay kasabay din ng paggunita ngayon ng pambansang araw ng manggagawang pangkalusugan.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.