Libu-libong chance passenger na uuwi sa lalawigan para bumoto, dagsa sa bus terminals

By Jan Escosio May 06, 2016 - 09:32 AM

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Marami nang pasahero ang dumagsa ngayong umaga sa mga terminal ng bus para mag-baka sakali na makasakay pauwi sa kanilang lalawigan para makaboto sa Lunes, May 9, 2016.

Ayon sa isa sa mga pasahero na uuwi sa Leyte, alas 4:00 pa lamang ng umaga ay nasa Araneta Center Bus terminal na siya.

Sinubukan umano nilang magpa-reserve ng ticket sa bus pauwi sa probinsya noon pang April 26, pero fully-booked na ang biyahe ng mga bus.

Dahil dito, marami sa mga pasahero ngayon ang chance passenger na lamang.

Ayon sa mga dispatcher, makakasakay naman ang mga pasahero kung merong magkakansela sa mga nagpareserve ng ticket.

 

TAGS: Araneta Center Bus terminal, Araneta Center Bus terminal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.