Paglilitis kay Rep. Gloria Arroyo, muling naudlot

By Kathleen Betina Aenlle May 05, 2016 - 04:38 AM

 

Inquirer file photo

Pinayagan ng Korte Suprema ang hiling ng kampo ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na mapahaba ang suspension ng paglilitis sa kaniya.

Ito ay kaugnay ng kinakaharap niyang kasong plunder dahil sa umano’y maling paggamit niya ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula taong 2008 hanggang 2010.

Sa inilabas na resolusyon ng Supreme Court, kinatigan nito ang hiling na extension ng panig ni Arroyo na ngayo’y pumipigil sa Sandiganbayan na isagawa ang paglilitis hanggang June 20, 2016.

Ito na ang ikatlong extension na ibinigay ng Supreme Court kay Arroyo para mapigilan ang trial sa Sandiganbayan.

Noong Oktubre ng nagdaang taon, naglabas ng 30-day status quo ante order (SQAO) ang Supreme Court, at nang mag-lapse ito pagdating ng Nobyembre, muli itong na-extend ng 90 days.

Nag-lapse muli ito noong February 20 at na-extend hanggang April 20, 2016, na ngayon ay naurong na naman ng June 20.

Si Arroyo ay isinailalim sa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.