Karagdagang military drills, isasagawa ng China sa South China Sea

By Kathleen Betina Aenlle May 05, 2016 - 04:36 AM

 

mischief_reef west phil seaMagsasagawa pa ng mas maraming military exercises ang China sa South China Sea ngayong buwan, at sa panahong ito, may kasama na itong mga advanced na warships at submarines.

Ayon sa state news agency ng China na Xhinhua, ang mga nasabing barko kabilang ang isang bagong guided missile destroyer ay kasama na sa kanilang anti-submarine, anti-missile at iba pang military exercises.

Hindi naman tinukoy ng Xhinhua kung saan ito partikular na gagawin, ngunit sinabi na gagawin itong routine at nakaplano na para sa taong ito.

Madalas namang mag-anunsyo ang China ng kanilang mga kilos sa South China Sea tulad ng ganitong exercises bilang paninindigan na inilalahad nila ang kanilang mga military deployments sa rehiyon.

Ang South China Sea ay pinag-aagawan ng China, Pilipinas, Brunei, Vietnam, Malaysia, at Taiwan. Ngunit, ang China ang umaangkin ng halos lahat ng teritoryo sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga artificial islands.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.