Lalaking nasagasaan ng tren sa Maynila, patay

May 05, 2016 - 04:34 AM

 

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Patay ang isang lalaki matapos siyang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways o PNR sa may Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa mga testigo, dakong alas-10 ng umaga ng Martes, naglalakad sa riles ng tren ang hindi pa nakikilalang biktima na nakasuot ng asul na shorts at brown na t-shirt, at nasa 40 na ang edad.

Dire-diretso umano itong naglakad sa riles ng PNR sa kahabaan ng mga kalsadang Antipolo at Leonora Rivera nang maganap ang aksidente.

Ayon sa tagabantay ng tawiran, sinubukan niya pang sigawan ang lalaki para mapigilan ito, ngunit huli na rin dahil agad din itong nasalpok ng tren.

Aniya pa, huminto naman ang tren pero sadyang mahirap talaga itong i-preno agad.

Handa naman ang PNR na magpa-abot ng kanilang tulong pinansyal sa pamilya ng biktima ng aksidente oras na makilala na ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.