Bontoc Tunnel, pansamantalang isinara dahil sa rockslide

By Kathleen Betina Aenlle May 05, 2016 - 04:30 AM

 

Mula sa Wikipedia

Pansamantala munang isinara ng Department of Public Works and Highways ang Bontoc Tunnel sa Mt. Province sa mga motorista.

Ito ay dahil sa rockslide na naganap bunsod ng malakas na ulan noong Lunes ng hapon.

Lumambot ang lupa at nagsi-bagsakan ang mga bato sa may tunnel kaya hindi muna ito ligtas na daanan ng mga motorista.

Kaya naman pinayuhan na rin ng mga otoridad ang mga motorista na maging maingat at mapagmatyag sa mga nagla-laglagang bato sa nasabing lugar tuwing umuulan.

Gayunman, para hindi maapektuhan ang trapiko sa lugar, gumawa ng alternatibong ruta ang DPWH sa gilid ng tunnel sa Bontoc-Baguio Road.

Nagsagawa naman na ng clearing operations ang DPWH simula pa noong Martes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.