Cebu Pacific, magkakaroon na ng dagdag na Doha flights

By Kathleen Betina Aenlle May 05, 2016 - 04:28 AM

 

Inquirer file photo

Magdadagdag na ang Cebu Pacific ng mga flights mula Maynila patungong Doha, Qatar at pabalik simula sa Hulyo a-nuebe.

Kung dati ang mga Manila to Doha na flights ay turing Monday at Thursday lang, habang ang mga Doha to Manila flights ay Tuesday at Friday lang, ngayon, magkakaroon na rin ng flights tuwing Sabado.

Ayon sa general manager ng long haul divisiong ng Cebu Pacific na si Alex Reyes, layon nilang mas ilapit ang Pilipinas sa lumalaking komunidad ng mga Pinoy sa Qatar.

Sa kanilang dagdag na handog na flights, mas mae-engganyo ang mga Pinoy sa Qatar na umuwi at bisitahin ang kanilang mga pamilya at kaibigan.

Aniya pa, mas mae-engganyo rin nito ang mga turista mula Qatar na i-explore ang Pilipinas, lalo na’t kilala ang Cebu Pacific sa murang pamasahe.

Ang nasabing bagong flight ay gagamit ng Airbus A330 na mayroong 436 economy-class seats.

Siyempre, para din aniya ito sa mga Pinoy na nais namang bumisita at pumasyal sa Qatar sa murang halaga na, direct flight pa.

Sa ngayon, mayroong 90 na ruta sa 64 destinasyon ang Cebu Pacific, at mayroon din silang fleet na binubuo ng 57 na mga eroplano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.