PNP 100% ready na sa May 9 elections

Posted in: Featured, Latest News, National

PNP 100% ready na sa May 9 elections

By:

philippine-national-police-assembly-march
Inquirer file photo

Kumpiyansa ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magiging matiwasay ang idaraos na eleksyon sa darating na Lunes, May 9.

Ayon kay PNP Spokesman C/Supt Wilben Mayor, matagal na nilang nailatag ang security set-up para sa eleksyon at hihintay na lamang nila ang tamang araw para ito maipatupad

Ani Mayor, sa ngayon tuloy-tuloy ang pagmonitor nila sa presensya ng mga threat groups na maaaring magsagawa ng pananabotahe sa isasagawang halalan.

Partikular sa mga mahigpit na binabantayan ng pulisya ang mga armadong grupo sa Southern part ng bansa gaya ng New People’s Army , Abu Sayyaf Group (ASG) at maging ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Noong Sabado inilagay na ng PNP sa full alert ang buong puwersa ng pulisya bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa gagawing pagboto ng mga Pilipino ng mga bagong lider ng bansa.

Nagpa-alala rin ang PNP sa kanilang mag tauhan na umiwas sa pulitika at maging neutral sa pagbabantay ng sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar.

Leave a comment