Sen. Binay: “Awkward experience na makatabi sina Mar at Korina sa misa”

By Den Macaranas May 02, 2016 - 04:48 PM

Roxas-Binay-covenant-signing-620x465
Inquirer file photo

Aminado si Sen. Nancy Binay na medyo nailing siya nang makatabi niya sa ginanap na misa kaninang umaga sa Manila Cathedral sina dating Interior Sec. Mar Roxas at Korina Sanchez.

Ang naturang misa na pinangunahan ni Manila Archibishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay sinundan ng paglagda sa “covenant for truthful and honest election”.

Sinabi ni Binay na noong una ay medyo “awkward” ang kanyang pakiramdam pero sa pakikinig sa misa ay kaagad na napalitan iyun ng magaan na damdamin para sa kanya.

Ayon sa mambabatas, “I’ll just share kung ano ‘yong pinagdasal ko. For me, to give us strength na pagkatapos ng halalan magkaroon ng true forgiveness.”

Aminado rin si Binay na nasaktan ang kanyang pamilya sa kaliwa’t kanang mga isyu na ibinabato sa kanila pero umaasa sila na pagkatapos ng eleksyon ay maibabalik sa maayos na relasyon ang kanilang mga nakasamaan ng loob.

“Kasi ‘di ba kahit naman kami siguro may nasaktan din, sila nasaktan nila kami. Sana pagkatapos ng halalan wala na lahat ‘yon, ‘di ba?  Let’s all move on and help our country,” ayon pa sa mambabatas.

Sa hanay ng mga Presidential candidates ay tanging sina Vice-President Jejomar Binay at Mar Roxas lamang ang dumalo sa naturang misa.

TAGS: binay, manila cathedral, roxas, Tagle, binay, manila cathedral, roxas, Tagle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.