WACKYLEAKS ni Den Macaranas

July 10, 2015 - 01:02 PM

Hindi lang sa showbiz kundi maging sa antas ng mga mayayaman sa lipunan kilala ang bangis ng isang T.V at Movie Director na suma-sideline rin sa pagbe-benta ng droga.

Ayon sa ating Cricket mula sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isa lang si Direk sa listahan ng kanilang mga tinututukan dahil sa talamak na bentahan ng droga sa showbiz.

Kinukunsinti ng ilang talent managers at directors ang pag-gamit ng droga para daw mawala ang inhibitions ng kanilang mga artista.

Dahil sa magdamagang tapinga pangontra din daw sa stress ang illegal drugs kaya’t naging talamak ito sa showbiz.

Pero ibahin nyo ang direktor na ito, wala sa kanyang magandang imahe ang pag-gawa ng ganitong uri ng kalokohan kaya laking gulat ko rin ng mapasama sa listahan ng PDEA ang kanyang pangalan.

Bukod sa pamilyadong tao ay kilala sya sa pag-gawa ng mga pambatang shows kaya nung una ay mahirap paniwalaan ang kanyang involvements sa illegal drugs.

Nagbago ang linya ni Direk nang mawalan sya ng mga raket ilang taon na ang nakalilipas.

Dahil sa depression ay natuto siyang gumamit ng drugs then eventually ay natuto na rin siyang magtulak nito dahil sa kakapusan ng pera.

Kahit walang show sa TV at ginagawang mga pelikula ay naging maayos ang pamumuhay ng kanyang pamilya dahil sa kanyang iligal na sideline.

Nang muli siyang mabigyan ng break at nagkaroon ulit ng mga projects sa isang TV Network ay hindi pa rin itinigil ni Direk ang kanyang iligal na gawain.

Pati ang ilan sa mga talents and crews ng naturang network ay nalulobg na rin sa droga dahil sa impluwensya ng taong ito.

Kahit putok na sa loob ng network ang balita tungkol sa dark secret ni Direk ay nakakaoagta namang walang ginagawang aksyon ang mga bigwigs ng nasabing himpilan.

Malamang ay maglalabas na lamang ng statement ang network kapag nakakulong na si Direktor Mokong.

Ang TV/Movie Director na sinasabing nagsa-sideline na drug pusher ay si Direk M.E….as in Misteryosong Echos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.