Senator Bongbong Marcos, nakiramay sa pagpanaw ni dating Chief Justice Corona

By Rod Lagusad April 30, 2016 - 10:51 AM

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Nakiramay si Senator BongBong Marcos sa pamilya ng yumaong si dating Chief Justice Renato Corona.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Marcos na siya ay nalulungkot sa pagkamatay ni Corona na ayon sa kanya ay dumanas ng sobrang injustice.

Dagdag pa ni Marcos, isang malinaw na selective justice ang nangyari kay Corona at kanyang pinapanalanagin na ang pagpanaw ni Corona ay magdala sa kanya ng lubusang kapayapaan mula sa naranasan niyang mga problema.

Ipinaabot ni Marcos ang pakikiramay mula sa kanyang asawa, mga anak at sa kanyang buong pamilya sa mga naiwang mga mahal sa buhay ni Corona.

TAGS: Dating Chief Justice Renato Corona, Senator Bongbong Marcos., Dating Chief Justice Renato Corona, Senator Bongbong Marcos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.