Huling miting de avance ng Poe-Chiz tandem, sa Plaza Miranda gagawin

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2016 - 09:02 AM

Sa Plaza Miranda ginanap ang unang miting de avance ng Partido Galing at Puso (PGP) nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero noong February 9, 2016. Sa parehong lugar din napagdesisyunan ng partido na gawin ang kanilang huling miting de avance.

Sa May 7 o dalawang araw bago ang botohan sa May 9, mulling magsasagawa ng pagtitipon sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila, ang partido nina Poe at Escudero.

Ang kumpirmasyon ay mula kay PGP campaign manager Ace Durano.

Ayon kay Durano, gusto ni Poe ang nasabing lugar dahil nasa harapan lamang ito ng Quiapo Church.

Sa kaniyang speech noong kick off rally ng PGP, sinabi ni Poe na sa simbahan nagsimula ang kaniyang buhay kaya nais niyang simulan ang panibagong yugto ng buhay niya sa harap ng simbahan ng Quiapo.

TAGS: Final miting de avance of Poe Chiz tandem to be held at Plaza Miranda, Final miting de avance of Poe Chiz tandem to be held at Plaza Miranda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.