Remulla kumalas na kay Binay ayon kay Duterte

By Len Montaño April 29, 2016 - 03:55 PM

Jonvic RemullaInanunsyo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakipag-alyansa na sa kanya ang kaalyado ni Vice President Jejomar Binay na si Cavite Governor Jonvic Remulla.

Sinabi ito ni Duterte sa mga mamamahayag matapos ang pulong kay Remulla kaninang tanghali sa Pasay City.

Pero hindi nagpa-interview si Remulla sa media para kumpirmahin ang naturang alyansa sa kampo ng alkalde.

Noong nakaraang linggo ay lumutang ang isyu na magiging magkaalyansa na sina Duterte at Remulla.

Matatandaan na si Remulla ang isa sa mga unang tagapagsalita ni Binay noong nagpahayag na ito ng pagtakbo bilang Pangulo.

Wala pa namang pahayag sa ngayon ang kampo ni Binay hinggil sa isyu./ Len Montano

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.