Senatorial bid ni Rep. Martin Romualdez, suportado ng INC

By Jan Escosio April 29, 2016 - 02:45 PM

Martin RomualdezNakuha rin ni senatorial candidate, Rep. Martin Romualdez ang suporta ng maimpluwensiyang Iglesia ni Cristo (INC).

Ngunit sa panayam kay Romualdez, hindi nito kinumpirma ang pag-endorso sa kanya INC, subalit nagpasalamat ito sa religious group sa pamumuno ni Executive Minister Eduardo Manalo.

Inaasahan na sa darating na Miyerkules hanggang Sabado ay ilalabas na ni Manalo ang sample ballot kung saan nakasulat ang pangalan ng mga kandidato na kanilang sinusuportahan mula sa national hanggang local positions.

Nabatid na may abiso na rin sa mga miyembro ng INC na simulan nang ikampaniya si Romualdez maging sa kanilang personal social media accounts.

Base sa mga surveys nakapuwesto mula 10th hanggang 14th place sa hanay ng mga senatoriables si Romualdez.

Ang INC ay kilala sa bloc voting power nito at mayroong mahigit isang milyong botante.

Sa datos ng Social Weather Stations (SWS), ngayong 2016 elections, mayroong aabot sa 1.7 million na botante ang INC.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.