Ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan, inulan kagabi

By Jay Dones April 28, 2016 - 04:27 AM

 

Inquirer file photo

Nakaranas ng bahagyang ginhawa ang mga residente sa matinding init na nararanasan nitong mga nakalipas na araw makaraang umulan sa malaking bahagi ng Metro Manila kagabi.

Pasado alas-11:00 ng gabi nang makaranas ng mahina-hanggang katamtamang pag-ulan ang Valenzuela City na sinundan ng pag-ulan hanggang sa Makati City.

Ayon sa thunderstorm advisory ng PAGASA, nakaranas din ng pag-ulan ang mga lugar ng Caloocan, Malabon at Navotas.

Apektado rin ng thunderstorm ang Hagonoy, Paombong, BUlacan, Obando at Malolos.

Wala namang iniulat na lugar na binaha resulta ng mahigit dalawang oras na pag-ulan.

Ilang mga netizens naman ang ikinagalak ang biglaang buhos ng ulan dahil sa ilang araw nang nararanasan ang matinding init ng panahon sa Kalakhang Maynila at malaking bahagi ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.