Sunog, sumiklab sa Taguig, 100 bahay naabo

By Kathleen Betina Aenlle April 28, 2016 - 04:26 AM

 

fire-defaultUnder control na ang malaking sunog na umabot sa 5th alarm na tumupok sa residential area sa Cayetano St., Brgy Tuktukan sa Taguig City.

Nagsimula ang sunog magha-hatinggabi kanina, at makalipas lamang ang mahigit isang oras ay umabot na ito sa 5th alarm ganap na 1:49 ng madaling araw.

Natupok ang humigit kumulang 100 kabahayan na halos maabo na dahil sa laki ng sunog.

Hinihinalang natabig na gasera ang sanhi ng sunog, ngunit kinkumpirma pa ito ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Wala nang magawa ang mga residente kundi lumikas at isalba ang mga gamit na kaya nilang bitbitin palayo sa nasusunog nilang mga bahay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.