Pulis patay matapos barilin habang nagsasagawa ng surveilance sa Caloocan City

By Ricky Brozas April 27, 2016 - 10:00 AM

shooting genericPatay sa pamamaril ang isang pulis sa Barangay 188, Caloocan City habang nagsasagawa ng surveillance para sa ikakasang operasyon kontra iligal na drogapasado alas nueve kagabi.

Dead on the spot si PO2 Mark Ifor Pacheco dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa likod.

Sugatan din ang kasama nitong si PO1 Jaypee John Pagarigan.

Ayon kay Chief Insp. Bernard Pagaduan ng Caloocan Police Anti-illegal Drugs, habang nagsusurveillance, may nasita daw na isang lalaki sina Pacheco at Pagarigan matapos mahulihan ng shabu.

Ilang sandali pa, may lumapit sa kanila na dalawa pang lalaki at agad-agad silang pinaputukan.

Nanlaban at hinabol pa raw ni Pagarigan ang mga salarin pero nakatakas ang mga ito.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng North Caloocan Police at pinasok ang phase 12 sa pagbabakasalaking mahuli ang mga salarin, pero nabigo sila.

Kilala ang phase 12 sa talamak na bentahan ng iligal na droga, kaya’t ngayon, lalo pa daw paiigtingin ng Caloocan PNP ang operasyon doon kontra droga.

TAGS: caloocan, DOS, PO2 Mark Ifor Pacheco, surveilance, caloocan, DOS, PO2 Mark Ifor Pacheco, surveilance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.