Pugot na ulo ng isa sa umano’y dayuhang bihag ng Abu Sayyaf, natagpuan

By Jay Dones April 25, 2016 - 10:18 PM

SAMAL KidnappingIsang pugot na ulo ang sinasabing natagpuan ‘di kalayuan sa harapan ng main gate ng Jolo Municipal Hall dakong alas 8:00 ngayong gabi, Lunes.

Ayon sa source, sinasabing ang ulo ay sa isa sa tatlong dayuhang dinukot ng mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa isang resort sa Samal Island noong September ng nakaraang taon.

Ayon pa sa source, dakong alas 3:45 ng hapon, Lunes nang isakatuparan ang pagpugot sa biktima.

March ng taong ito nagbigay ng deadline ang mga bandido na kanilang pupugutan ng ulo ang mga dayuhang hostage at ang isang Pilipina na kanilang bihag kung hindi maibibigay ang tig-isang bilyong pisong ransom demand para sa paglaya ng mga biktima.

April 8 ang ibinigay na deadline ng mga Abu Sayyaf sa hinihingi nilang ransom.

Gayunman, pinalawig ng bandidong grupo ang deadline at sa halip na April 8, ay ginawa itong April 25.

Ibinaba rin ng Abu Sayyaf ang ransom demand mula sa tig-isang bilyong tungong 300 milyong piso bawat isang bihag.

Sina John Ridsdel, Robert Hall at Pilipina nitong nobya na si Flor at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad ay matatandaang sapilitang dinukot ng mga armadong grupo sa Overview Marina sa Island Garden City of Samal noong September ng nakaraang taon.

TAGS: samal kidnap victim beheaded, samal kidnap victim beheaded

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.