Inanunsyo ng pamunuan ng Los Angeles Lakers na hindi na nila ni-renew ang kontrata ni head coach Byron Scott para sa 2016-2017 season ng National Basketball Association (NBA).
Sa kanyang pagharap sa media, sinabi ni Lakers general manager Mitch Kupchak na kinausap na nila si Scott hingil sa nasabing bagay.
Sa loob ng halos ay dalawang taong pagiging head coach ng Lakers ay 38 panalo lamang ang naiambag ni Scott sa franchise mula sa kabuuang 126 games.
Ito ang pinaka-masamang record sa kasaysayan ng nasabing legendary team sa NBA ayon kay Kupchak.
Sa kasalukuyan ay naghahanap na sila ng pwedeng ipalit kay Scott na dati ring player sa NBA hanggang sa kanyang pagreretiro noong dekada 90.
Tikom naman ang bibig ng Lakers sa report na lilipat na sa kanila ang star player ng Oklahoma Thunder na si Kevin Durant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.