Stephen Curry, sasailalim sa MRI dahil sa tinamong injury sa tuhod

By Dona Dominguez-Cargullo April 25, 2016 - 10:14 AM

CurryIsasailalim sa MRI examinations si Golden State Warriors star Stephen Curry matapos madulas at masaktan ang kanang tuhod sa laban ng kanilang koponan sa Houston Rockets.

Nadulas si Curry sa unang bahagi ng first half ng laban at dinala muna sa locker room. Sa kabila nito naging matagumpay pa rin ang Warrios sa iskor na 121-94.

Kagagaling lang din sa ankle injury ni Curry kaya hindi ito nakapaglaro noong game 2 at 3 at kababalik lamang sa Sunday night game ng NBA.

Noon pa lamang game 3 ay gustong-gusto nang makabalik sa laro ni Curry pero hindi siya pinayagan ng medical staff ng Warriors.

Sa game 3, tinalo ng Rockets ang Warrios, bagaman nananatiling lamang sa standing na 3-1 ang Golden State.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.