‘I take my word back’ – Duterte

By Jay Dones April 21, 2016 - 04:40 AM

 

Inquirer file photo

Pormal nang binawi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang mga nasabi ukol sa panggagahasa at pagpatay sa isang Australian Missionary na hinostage sa kanyang syudad ng mga preso noong 1989.

Sa kanyang campaign sortie sa Kalibo Aklan, kinumpirma ni Duterte sa mga mamahayag ang kanyang paghingi ng paumanhin sa mga mga naapektuhan ng kanyang mga binitiwang salita kaugnay sa kontrobersyal na isyu kung saan umani ito ng matinding batikos.

Gayunman, patuloy namang binatikos ni Duterte ang mga obispo na una nang nanawagan sa taumbayan na pumili ng diesnteng susunod na lider ng bansa.

Matatandaang umapaw ang batikos labans a alkalde na nangunguna sa mga nakalipas na presidential survey dahil sa kanyang binitiwang salita sa isang sortie sa Quezon City kamakailan.

Sa kanyang kontrobersyal na komento, sinabi nito na siya’y nanghinayang nang magahasa at mapatay ng mga preso ang Australian missionary na si Jacqueline Hamill nang I hostage ito ng isang grupo ng mga preso noong 1989 sa Davao City.

Mas lalo pang umani ng negatibong reaksyon sa publiko at sa mga kakaihan nang banggitin ng alkalde na dapat ang alkalde muna ang naunang gumahasa sa biktima bago ang mga bilanggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.