Ika-29 na Oplan Galugad sa bilibid, kakaibang hayop na Sugar Glider, nasabat

By Erwin Aguilon April 19, 2016 - 12:50 PM

Sugar Gliders

Muli na namang nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (Bucor) sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Sa ika-29 na pag-galugad, sinuri ang pinakadulong bahagi ng Quadrant 4, Building 5 ng Maximum Security Compound.

Ang nasabing lugar ay hindi gaanong naaabot ng mga tauhan ng Bucor kapag nagsasagawa ng pag-galugad.

Nasamsam sa ika-29 na Oplan Gaglugad ang mga aircon, pamalo, vault, rice cooker, gas range at bala ng shot gun.

Nakasabat rin sila ng mga sumpak, mga patalim, computer, appliances, hair blower at mga drug paraphernalia.

Ipinagiba rin ang magarbong tinitirahan ni Luis Go, kilalang big time drug dealer.

Mayroon ding apat na kakaibang hayop na Sugar Glider na nasabat mula sa mga bilanggo.

Ang Sugar Glider na hayop ay kadalasang mula sa Australia at New Guinea.

Kamag-anak ito ng kangaroo at halos kahalintulad ng Koala bear. Ang mga adult na Sugar Glider ay may bigat lamang na 4 hanggang 6 ounces at 12 inches lamang ang haba.

Ayon kay NBP Richard Schwarzkopf, kasama sa modernidasyon ng bilibid ang tuloy-tuloy na paggalugad at pagpapagiba sa mga straktura upang mapalitan ng mga bagong dormitoryo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.