2 Metro Aide, sugatan matapos masagasaan habang nagdidilig ng halaman

By Ricky Brozas April 19, 2016 - 10:23 AM

EDSA Aurora TunnelNasugatan ang dalawang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos silang masagasaan habang nagdidilig ng halaman sa EDSA.

Agad isinugod sa East Avenue Medical Center at Orthopedic Hospital ang dalawa na kapwa nasagasaan sa southbound at northbound lane sa pagitan ng Auroral tunnel at P. Tuazon kaninang umaga (Martes, April 19).

Kinilala na ng mga otoridad ang dalawang metro aide na sina Christina Careon at Renato Baquiran na nahagip nang rumaragasang SUV na may plakang ZFA 552.

Sa lakas nang pagkakabundol ay tumilapon pa si Careon sa southbound lane ng tunnel mula sa northbound lane at muli siyang nasagasaan ng paparating Toyota Vios na may conduction sticker na YG 3252.

Agad na dinala sa Orthopedic Hospital ang babaeng biktima sanhi ng matinding pinsalang tinamo.

Kapwa naman huminto ang driver ng dalawang sasakyang nakasagasa at sumunod sa ambulansyang nagsugod sa ospital.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.