Arrest warrant laban kay ER Ejercito inilabas na

By Isa Avendaño-Umali April 18, 2016 - 07:51 PM

ER-Ejercito-052314-e1400870096795
Inquirer file photo

Nag-isyu na ang Sandiganbayan 4th Division ng warrant of arrest laban kay dating Laguna Gov. ER Ejercito.

Sa kopya ng arrest warrant na pirmado ni Associate Justice Jose Hernandez, pinuno ng 4th division, inaatasan ang pulisya na arestuhin si Ejercito dahil sa kabiguan na magpakita sa arraignment kaninang umaga.

Si Ejercito, batay sa kanyang bagong medical certificate na inihain sa Sandiganbayan ay naka-confine sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan City dahil sa pneumonia.

Ayon sa abogado ni Ejercito, nagkasakit siya dahil sa matinding init ng panahon.

Si Ejercito ay nangangampanya bilang reelectionist Laguna Governor sa katunayan ayon sa abogado ni Ejercito, noong Sabado pa masama ang pakiramdam ng kanyang kliyente at sadyang hindi kinaya na makarating sa pagbasa ng sakdal sa kanya sa Sandiganbayan.

Ang dating opisyal ay nahaharap sa kasong graft kaugnay sa maanomalyang pagpasok sa isang insurance deal noong 2008 habang siya’y Alkalde pa ng Pansanjan, Laguna.

TAGS: er ejercito, graft, laguna, sandiganbayan, er ejercito, graft, laguna, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.