MIAA bibili ng hi-tech equipments para sa seguridad ng NAIA

By Ruel Perez April 18, 2016 - 02:38 PM

NAIA1
Inquirer file photo

Nagkasundo ang Philippine National Police (PNP) at pamunuan ng MIAA o Manila International Airport Authority (MIAA) para sa pagpapaigting ng seguridad sa airport.

Ayon kay PNP Chief Dir.Gen. Ricardo Marquez, itoy ay sa pamamagitan ng nilagdaan Memorandum of Agreement na nilagdaan ngayong araw.

Paliwanag ni Marquez, saklaw ng kasunduan na mabilhan ng kailangang mga equipment ang PNP Aviation Security Group (AvSeGroup) para higit pang mapalakas ang kapabilidad ng mga pulis sa pagbabantay at pagtupad ng kanilang tungkulin sa mga paliparan.

Ayon pa kay Marquez nakikipag ugnayan na sa MIAA si PNP AvSeGroup Dir C/Supt. Francisco Pablo Balagtas para pag-usapan kung ano anong gamit ang kailangan nilang bilhin.

Nauna nang nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang PNP sa paliparan makaraan ang ilang terror attack na naganap sa ilang mga bansa sa Europa.

TAGS: MIAA, NAIA, PNP, MIAA, NAIA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.