Toni Gonzaga, buntis na

By Isa Avendaño-Umali April 17, 2016 - 04:08 PM

 

Inquirer file photo

Inanunsyo na ng Kapamilya Host/Actress na si Toni Gonzaga na pinagbubuntis na niya nag ‘first baby’ nila ni Director Paul Soriano.

Sa programang ASAP ngayong araw ng Linggo (April 17), kinumpirma ni Gonzaga na siya’y nagdadalang-tao.

Ani Gonzaga, “God finally opened my womb and I’m expecting my first child.”

Nauna nang kumalat ang mga haka-haka ang ‘preggy’ na si Gonzaga, gayunman, naging tahimik siya.

Pagtitiyak naman ni Gonzaga sa kanyang fans, gagawin pa rin niya ang commitments at trabaho, pero kailangang maghinay-hinay.

June 12, 2015, ikinasal sina Gonzaga at Soriano makalipas ang walong taong relationship.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.