Cancelled flights dahil sa Habagat

July 09, 2015 - 07:44 PM

pal plane
Mula sa Inquirer.net

Nagkansela ng mga biyahe ang ilang airlines dahil sa masamang panahon sanhi ng habagat na pinalalakas ng bagyong falcon.

As of 3:30 pm araw ng Huwebes, ang mga cancelled flights ay mula sa Philippine Airlines, PAL Express, Cebu Pacific at Cathay Pacific.

Kanselado ang PAL flights PR312 Manila-Hong Kong at PR310 Manila-Hong Kong; PAL Express flights 2P 2053 Manila-Caticlan at 2p 2054 Caticlan-Manila.

Kinansela rin ang Cebu Pacific flights 5J 529 Manila-Busuanga, 5J 530 Busuanga-Manila, 5j 531 Manila-Busuanga, 5J 532 Busuanga-Manila, 5J 905 Manila-Caticlan at 5J 906 Busuanga-Manila.

Sa Cathay Pacific naman ay kanselado ang mga biyaheng CX 918 Manila-Hong Kong at CX 903 Hong Kong-Manila.

Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, binanggit din ng mga airlines ang aircraft situation bilang dahilan ng kanselasyon ng ilang byahe./ Len Montaño

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.