Lider ng Rajah Solaiman Movement arestado sa Zamboanga

By Den Macaranas April 16, 2016 - 08:23 PM

RSM
DND photo

Kinumpirma ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) na naaresto na nila ang pinuno ng Rajah Solaiman Moevement (RSM) na si Melquides Pabico Abrera II.

Si Abrera na gumagamit ng mga aliases na “Lolo”, “Mel” at Mikhail Abdul Asis Abrera ay naaresto sa kanyang hideout sa Brgy. Sta. Barbara sa Zamboanga City.

Hindi na nagawa pang lumaban ni Abrera nang palibutan siya ng mga Pulis kung saan ay nabawi mula sa kanya ang isang Cal. 45 pistol, mga bala, dalawang granada at ilang mga dokumento.

Ang RSM na grupo ng mga Pinoy na Krtistiyano na nagpa-convert sa Islam ay itinatag noong 1991 ni Ahmed Santos at sinasabing pinopondohan ng Jemaah Islamiya samantalang Abu Sayyaf Group members naman ang nagturo sa kanila ng urban warfare.

Sinabi ni Supt. Roger Sebastian ng CIDG na ang RSM ang nasa likod ng 2004 Superferry bombing na ikinamatay ng 116 katao.

Ang RSM din ang nasa likod ng Valentine’s Day bombing noong 2005 na nagresulta sa kamatayan ng apat katao at ikinasugat ng animnapung iba pa.

Dekada ‘90 pa lamang ay target na nilang pasabugin ang U.S Embassy sa Maynila ayon pa sa ulat ng CIDG.

TAGS: AFP, CIDG, PNP, rajah solaiman movement, Zamboanga, AFP, CIDG, PNP, rajah solaiman movement, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.