Pacquiao bawal munang mamigay ng balato

By Den Macaranas April 16, 2016 - 03:53 PM

Pacquio gift
FB photo

Pinagbawalan ng Commission on Elections (Comelec) si People’s Champ Manny Pacquiao na mamigay ng balato sa kanyang mga kababayan sa Cotabato City at sa lalawigan ng Saranggi.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na P5 lang na halaga ng campaign materials ang pwedeng ipamigay ni Pacman dahil kandidato siya sa pagka-senador na isang national position sa ilalim ng ating election law.

Nakasaad sa umiiral na Fair Elections Act na P5 na halaga ng campaign giveaways ang pwedeng ipamigay ng isang kandidato para sa national position sa bawat botante.

Naging tradisyon na sa mga nagdaang panalo ni Pacquiao na nakapila sa harap ng kanilang bahay ang mga humihingi ng balato matapos ang kanyang matagumpay na laban.

Noong Huwebes ay isang motorcade sa ang sinamahan ni Pacquiao dito sa Metro Manila na sinundan naman ng isang heroes welcome sa General Santos City kahapon araw ng Biyernes.

Sa kanyang panig, sinabi ng pambansang kamao na babawi siya sa kanyang mga kababayan pagkatapos ng eleksyon.

Sa kanyang huling laban kay American boxer Timothy Bradley ay kumita si Pacman ng $20 Million guaranteed prize o katumbas ng halos ay P900 Million.

TAGS: baitista, Bradley, comelec, Pacquiao, baitista, Bradley, comelec, Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.