Holdaper at rapist na taxi driver, naaresto sa Bulacan

By Alvin Barcelona April 15, 2016 - 02:23 PM

Photo from PNP PIO
Photo from PNP PIO

Naaresto na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang taxi driver na suspek sa serye ng panghoholdap at panghahalay sa kaniyang pasahero.

Ang suspek na si Ricky Ramos ay ipinrisinta sa Camp Crame ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Director Joel Pagdilao.

Ayon kay Pagdilao, natuklasan nilang si Ramos ay dati nang naharap sa iba’t ibang mga kaso.

Aniya, ang nasabing suspek ay nahaharap na sa pitong kaso ng carnapping, pitong kaso ng robbery/holdup, tatlong kaso ng homicide at tatlong kaso ng rape.

Photo from PNP PIO
Photo from PNP PIO

Inaalam na din ng PNP ang posibilidad kung si Ramos ay may kasabwat na ibang grupo sa kaniyang carnapping activities.

Inaresto ang suspek matapos siyang ituro na nasa likod ng serye ng panghoholdap at panghahalay pa sa mga pasaherong biktima.

Modus operandi ni Ramos ay magpapasakay ng mga kababaihang pasahero na bukod sa hinoholdap nito ay pinagsasamantalahan pa niya./ Alvin Barcelona

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.