Landslide sa Bry. Pinulot sa Dinalupihan

July 09, 2015 - 07:28 PM

11666203_847379602013484_6130064051740436509_n
Photo by Juaqui Aquino

Patuloy pa rin ang paglilinis na isinasagawa sa Casa Bonita Homes sa Barangay Pinulot, Dinalupihan Bataan upang maialis sa daanan ang mga makakapal na putik dulot ng pagguho ng lupa.

Alas diyes ng umaga, araw ng Huwebes nang gumuho ang lupa mula sa kabundukan at bumaba sa mga kabahayan sa Casa Bonita sa Bry. Pinulot.

Ayon sa residenteng si Juaqui Aquino, sa tagal niya sa paninirahan sa naturang lugar ay ngayon lamang nagkaroon ng ganoong pagguho ng lupa.

“Noong Lunes ay may pagguho na pero bahagya lang, kanina mas marami na ang lupa galing sa bundok,” sinabi ni Aquino sa Radyo Inquirer.

Agad na kumilos ang mga opisyal ng barangay sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Dinalupihan para linisin ang mga lupang nagmula sa kabundukan.

Kusa ding tumulong ang mga residente ng Casa Bonita sa pag-aalis ng mga putik sa kalsada at kanal.

Ayon pa kay Aquino, bukod sa engineering team ng munisipalidad ay agad ding dumating ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development./Ulat mula kay Gina Salcedo

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.