Pinalakas ng bagyong Falcon ang habagat

July 09, 2015 - 07:23 PM

 

latestMTSAT_CROP (1)
Mula sa pagasa.dost.gov.ph

Ang nararamdamang mga malakas na pag-ulan ay hindi na sanhi ng habagat na pinalakas ng bagyong Falcon.

Sa 5pm update, sinabi ng PAGASA na inaasahang lalabas ang bagyong Falcon sa Philippine Area of Responsibility bukas araw ng Biyernes.

Uulanin pa rin bukas ang Metro Manila pero bahagyang gaganda ang panahon simula sa Sabado.

Una ng sinabi ng PAGASA na bahagyang bumilis ang bagyong Falcon na huling namataan sa 750 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang hangin na 140 kilometers per hour, bugso na 170 kilometers at tinatahak ang direksyong northwest sa bilis na 22 kilometers per hour.

Pero kahit papalayo na ang bagyo, ay patuloy nitong pinalalakas ang habagat kaya dapat alerto ang mga taga Luzon at Visayas lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.

Asahan ang pag-ulan na dala ng habagat na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, gitnang Luzon, Metro Manila, Calabarzon at MIMAROPA.

Bukas ng umaga ay inaasahang nasa labas na ito ng PAR o 620 kilometers north-northeast ng Itbayat, Batanes. Payo ng PAGASA, magdadala ang bagyo ng heavy to intense rainfall sa loob ng 300-kilometer radius nito.

Pinagbawalan pa rin ang mga mangingisda na maglayag sa seaboards ng Luzon at Visayas./ Len Montaño

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.