Manny Pacquiao nakabalik na ng bansa matapos ang tagumpay laban kay Timothy Bradley

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon April 14, 2016 - 06:27 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Pasado ala 5:00 ng umaga kanina (Miyerkules) nang dumating ang sinasakyang eroplano ni Rep. Manny Pacquiao sa terminal 1 ng NInoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasama ni Pacquiao na dumating sa paliparan ang kaniyang buong pamilya.

Sa kaniyang maiksing pahayag, nagpasalamat si Pacquiao sa suporta ng sambayanang Pilipino na aniya ay mula noon hanggang sa ngayon ay hindi siya iniwan at sinamahan siya sa bawat laban.

Binanggit din ng pambansang kamao na masaya siya sa kaniyang desisyong pagreretiro.

Sinabi rin ni Pacquiao na masusi pa nilang pinag-aaralan ang posibilidad na siya ay makalaro o makalaban sa Olympics.

Bagaman excited siya para dito ay kailangan aniya itong pag-isipan at pag-aralang mabuti kung hindi magkakaroon ng conflict.

Dumeretso sa Dusit Hotel si Pacquiao kasama ang pamilya para sa isang private breakfast.

Mamaya naman ay isang motorcade ang isasagawa para kay Pacquiao na dadaan sa Makati, Maynila, Quezon City at Caloocan.

Bukas naman ay uuwi si Pacquiao sa General Santos City.

TAGS: Pacquiao returns to PH, Pacquiao returns to PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.