Pag-layas ng mga abogado sa PAO ibinabala

By Den Macaranas April 13, 2016 - 08:12 PM

persida-acosta-620x559
Inquirer file photo

Aminado si Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Percida Rueda-Acosta na mababa ang morale ng kanilang mga abogado dahil sa itinuturing silang second-class citizen sa judiciary system.

Sinabi rin ni Acosta na hindi malayong mangyari ang exodus o sabay-sabay na pag-alis sa PAO ng kanilang mga abogado lalo’t balak taasan ng pamahalaan ang kanilang Retirement and Life Insurance Premiums (RLIP) sa Government Service Insurance System (GSIS).

Mula sa kasalukuyang 3 percent ay gusto ng gobyerno na itaas ang RLIP sa 9 percent na ayon kay Acosta ay masyadong mabigat kumpara sa sahod na tinatanggap ng mga abogado ng bayan.

Nauna dito ay naglabas ng manifesto ang may 38 retired PAO lawyers kung saan ay kanilang hiniling sa Department of Budget and Management (DBM) na ilabas na ang kanilang P139 Million na gratuity retirement package.

Sinabi ng grupo na matagal nang inuupuan ng DBM ang nasabing benepisyo kung saan dalawa sa kanilang mga kasamahan ang namatay na nang hindi man lamang natatanggap ang nasabing retirement package na kanila namang karapatan.

Pinanindigan ng DBM na hindi qualified ang mga PAO lawyers sa nasabing benepisyo na tinatanggap ng mga retiradong piskal at mga hukom.

Sa kanyang pahayag ay sinabi ni Acosta, “Hindi lang criminal case ang hinahawakan namin. Dito, may civil, labor, criminal, arbitration, documentation, barangay outreach at marami pa. Hanggang bahay dala namin ang trabaho, kaya konti lang talaga ang magtitiyaga dito. Pano na ang mahihirap?”

TAGS: acosta, DBM, Judges, prosecutors, acosta, DBM, Judges, prosecutors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.