Duterte, pambansang berdugo ayon kay Binay

By Len Montaño April 12, 2016 - 03:48 PM

Binay campaign
Inquirer file photo

Mga mahihirap lamang ang pinapatay ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ayon kay United Nationalist Alliance standard bearer Vice President Jejomar Binay.

Sa kanyang talumpati sa harap ng pitong libong supporters sa Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City, sinabi ni Binay na kung pambansang kamao si Manny Pacquiao ay mayroon namang pambansang berdugo na pumapatay ng mahirap.

Ayon sa pangalawang pangulo, ang isang executioner ay hindi dapat maging presidente ng bansa.

Hindi anya dapat maging pangulo ang isang taong may katangiang berdugong mamamatay ng tao at ang pinapatay ay mahirap at bata.

Paliwanag ni Binay, ang pagtugon sa kahirapan at hindi ang pagpatay sa tao ang sagot sa kriminalidad.

“Kaya ho may kriminalidad, kaya ho ang katahimikan ay nawawala dahil sa kahirapan, ang sagot sa krimen ay iangat ang buhay pero kung si Duterte ay pumapatay ako po ay pinipilit kong mabuhay kaya nga ho ako, sinasabi namin sa amin sa makati, wala hong namamatay na mahirap dahil sa sakit. libre gamot, libre ospital,” ani Binay.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo, may responsibilidad ang komunidad na panatilihin ang right to life o karapatan ng tao na mabuhay.

TAGS: binay, caloocan city, Davao, duterte, binay, caloocan city, Davao, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.