Pangulo ng RCBC hinamong magpaka-lalaki

By Den Macaranas April 12, 2016 - 03:08 PM

tan-Deguito-0321
Inquirer file photo

Hinamon ni Atty. Ferdie Topacio, abogado ni dating Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) Jupiter branch manager Maia santos-Deguito si RCBC president Lorenzo Tan na magpakalalaki.

Ayon kay Topacio, lumang style na ang pagsasampa ng kaso tulad ng isinampang libel suit ni Tan laban sa kanila ni Deguito.

Sinabi ni Topacio na malinaw na nagtatago sa likod ng demanda si Tan imbes na harapin nito ang isyu kaugnay sa $81 Million money laundering scam.

Binanggit din ng naturang abogado na handa siyang makipag face-to-face kay Tan sa kahit na anong paraan para lamang magka-alaman kung sino sa kanila ang tunay na lalaki.

Kahapon ay nagsampa ng libel charges si Tan laban kina Deguito at Topacio dahil sa umano’y pagsasabwatan ng dalawa para isabit ang kanyang pangalan sa eskandalo.

Sa kanyang reklamo sinabi rin ni Tan na humihingi siya ng P32 Million na danyos dahil nasira ang kanyang pangalan sa banking industry na matagal niyang itinaguyod at inalagaan.

Muling pinanindigan ng nasabing opisyal ng RCBC na wala siyang kinalaman sa perang galing sa Bangladesh Central Bank na pumasok sa bansa at hindi rind aw niya inutusan si Deguito na magbukas ng apat na dollar accounts na ngayon ay iniimbestigahan ng Senado.

TAGS: Deguito, money laudering, RCBC, senate, tan, Topacio, Deguito, money laudering, RCBC, senate, tan, Topacio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.