Ombudsman pikon na sa patutsada ng mga kinakasuhan nila ng katiwalian

By Den Macaranas April 12, 2016 - 03:05 PM

conchita-carpio-morales
Inquirer file photo

Binalaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang mga pulitiko na tigilan na ang paglalabas ng mga pahayag na pinag-iinitan sila ng Ombudsman dahil panahon na ng eleksyon.

Sa isang media interview, nanindigan si Morales na dumaan sa tamang imbestigasyon, may mga sapat na ebidensiya at walang kinalaman sa pulitika ang mga kasong isina-sampa nila laban sa mga tiwaling opisyal at tauhan ng pamahalaan.

Ang salitang “harassment” umano ay isang standard public relations defense na siyang kadalasang sinasabi ng mga taong kanilang kinakasuhan.

Ang tunay na biktima ng harassment sa isyu ayon sa Ombudsman ay ang mga taxpayers na ninanakawan ng pera ng mga tiwaling tauhan ng pamahalaan.

Binanggit ng opisyal na hindi siya natutulog sa kanyang pwesto dahil isang 24/7 job ang paglaban sa katiwalian.

Sa mga nakalipas na araw ay nagkasunod-sunod ang pagsasampa ng kaso ng Ombudsman laban sa ilang mga pulitiko na kabilang sa oposisyon dahil sa kanilang pagkakasangkot sa katiwalian.

Kabilang dito ang Pamilyang Binay, dating Laguna Gov. E.R Ejercito at si dating Cebu Gov. Gwen Garci.

Lahat sila ay nagsabi na pinag-iinitan sila ng Ombudsman dahil hindi sila kaalyado ng kasalukuyang administrasyon.

TAGS: binay, Ejercito, gacia, graft, Morales, ombudsman, binay, Ejercito, gacia, graft, Morales, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.