Asawa ng singer na si Sir Tom Jones, pumanaw na

By Mariel Cruz April 11, 2016 - 08:03 PM

Tom jones wife
The Sun

Pumanaw na ang asawa ng singer na si Sir Tom Jones matapos ang maikling panahon na pakikipaglaban sa sakit na cancer.

Kilala bilang Linda, nawalan na ng buhay si Lady Melinda Rose Woodward kahapon ng umaga sa Cedars Sinai Hospital sa Los Angeles.

Sa pahayag na inilabas sa official website ni Sir Tom, nasa paligid ni Linda ang kanyang asawa at ilan pang mahal sa buhay nang pumanaw ito.

Kamakailan lang ay kinansela ni Sir Tom ang kanyang mga concert dahil sa malubhang sakit na dinaranas ng isa sa kanyang kapamilya.

Lumaki sa Pontypridd sa South Wales, sina Linda at Sir Tom ay 59 taon nang kasal.

Ang pagmamahal ng mag-asawa ay nagbunga ng isang anak na nagngangalang Mark na may edad na 59.

TAGS: linda philippine concert, tom jones, linda philippine concert, tom jones

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.