House team tutungo sa Ormoc

July 09, 2015 - 04:00 PM

CONTRIBUTED PHOTO FROM MIQUICAR PHOTO STUDIODadayuhin ng House Commitee on Transportation ang Ormoc, Leyte para magsagawa ng on-site investigation at ocular inspection kaugnay sa paglubog ng MB Kim Nirvana.

Sa pagdinig ng lupon, nagmosyon si Leyte Rep. Andres Salvacion na dapat magkaroon ng hearing at inspeksyon sa Ormoc.

Paliwanag ng kongresista, mas mainam kung ilalapit ng Kamara sa mga apektado ng trahedya ang imbestigasyon, sa halip na ang mga ito ang paluluwasin sa Maynila at paggastusin ng malaking halaga ng pamasahe para lamang makadalo sa house inquiry sa Batasan Complex.

Agad naman itong sinang ayunan ng chairman ng lupon na si Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento.

Sa pagdinig pa rin, kinuwestiyon ni Salvacion kung bakit naging Kapitan ng MB Nirvana si Warrem Oliviero gayung hindi raw ito kwalipikado.

Bigo rin daw itong magsumite ng marine protest sa mga otoridad, na dapat ay unang-unang ginagawa ng sinumang Kapitan tuwing nadidisgrasya ang minamando nitong sasakyang pandagat.

Pinuna rin ni Salvacion ang mga otoridad na inuna pa raw ikulong si Oliviero at may-ari ng MB Nirvana, sa halip na kunan muna sila ng marine protest.

Samantala, tiniyak naman ni Michael Rellaso ng Philippine Insurers and Reinsurers Association o PIRA na may matatanggap na 200 thousand pesos ang pamilya ng bawat “manifested passenger” ng MB Nirvana na nasawi sa trahedya.

Ang mga “excess passenger” naman o mga pasaherong wala sa manipesto ng naturang sea vessel na namatay sa paglubog ay walang makukuha dahil hindi raw sila covered ng insurance.- Isa Avendaño-Umali

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.