Sen. Bongbong Marcos, nanguna sa bagong SWS survey

By Kathleen Betina Aenlle April 11, 2016 - 04:44 AM

 

Inquirer file photo

Naposisyon sa tuktok ng vice presidential race si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ayon sa pinakahuling survey ng SWS na isinagawa noong March 30 hanggang April 2 sa 1,500 respondents.

Lumabas sa resulta na inilathala ng BusinessWorld ngayong Lunes ng madaling araw, nakakamit si Marcos ng 26 percent na nagluklok sa kaniya sa unahang pwesto ng vice presidential race.

Tumaas ng 1 percent ang rating ni Marcos kumpara sa naunang survey na isinagawa noong March 8 hanggang 11.

Samantala, malaki naman ang inilagapak ng ratings ni Sen. Chiz Escudero dahil mula sa dating 28 percent, 21 percent na lamang ang nakuha niya sa bagong survey.

Statistically tied naman ang pambato ng Liberal Party na si Rep. Leni Robredo kay Escudero dahil nakakuha siya ng 19 percent.

Bagaman statistically tied sila ni Escudero sa pangalawang pwesto, bumaba naman ng 3 puntos ang rating ni Robredo.

Nasa ikatlong pwesto naman si Sen. Alan Peter Cayetano sa 13 percent, at tabla naman sa ika-apat na pwesto sina Senators Gringo Honasan at Antonio Trillanes IV.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.