Kahirapan, tunay na ugat ng gulo sa Mindanao ayon kay VP Binay

By Kathleen Betina Aenlle April 11, 2016 - 04:44 AM

 

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Ipinahatid ni Vice President Jejomar Binay ang kaniyang pakikiramay sa mga pamilya, mahal sa buhay at kaibigan ng mga nasawing sundalo sa sampung oras na bakbakan sa Basilan kontra Abu Sayyaf Group.

Ayon kay Binay, ang nangyaring insidenteng ito ay isang paalala sa buong sambayanan na dapat na talagang matugunan ang problema ng kahirapan.

Naniniwala kasi si Binay na ito ang pangunahing dahilan ng hindi matapos-tapos na hidwaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng grupo sa Mindanao kaya’t hindi makamit ang tunay na kapayapaan.

Matatandaang 18 sundalo ang namatay sa engkwentro, habang mahigit 50 naman ang nasugatan nang maganap ito noong Sabado, April 9, Araw pa man din ng Kagitingan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.